Mahigit 2,000 motorista, nasita ng PNP-HPG dahil sa paggamit ng blinkers at wangwang

Umaabot sa mahigit 2,000 mga motorista ang nasita ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa kaliwa’t kanang paglabag sa batas trapiko.

Ito’y kasunod na rin ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na higpitan ang pagbabawal sa paggmit ng wangwang, blinker, sirena at iba pang flashing device.

Sa datos ng PNP-HPG sa pagtatapos ng buwan ng Abril, umabot na sa 2,131 na mga motorista ang kanilang nasita dahil sa paggamit ng mga unauthorized accessories.


Kasama na rito ang mga sibilyan at mga VIP.

Sa unang paglabag, kinumpiska lamang ng mga awtoridad ang mga blinker, sirena at ibang flashing device ng mga motorista.

Pinaka marami namang naitalang violators ay galing sa Region 7, Region 6 at Region 5.

Facebook Comments