7 tauhan ng BuCor na dawit sa pagpapahubad sa mga dalaw ng mga PDL, sinuspinde

Sinuspinde na ang 7 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na dawit sa pagpapahubad sa mga dalaw ng mga ‘Persons Deprived of Libery’ o PDL.

Ayon sa pamunuan ng BuCor, inilagay sa “attached o unassigned” ang 7 personnel habang gumugulong ang imbestigasyon.

Nilagdaan din ni acting NBP Superintendent Ruben Formoso ang suspensyon, isang araw matapos maghain ng reklamo ang mga asawa ng political prisoners sa Commission on Human Rights (CHR) .


Ito ay matapos silang paghubarin ng mga damit kabilang ang kanilang mga underwear.

Ang pitong BuCor personnel na ni-relieved ay sina Correction Officers 1, Karen Soriano, Kiera Iket, Odesa Etong, Ahmor Darasin, Guada Bello, Melowyne Tallongan, at Angelique Domingo.

Facebook Comments