Nais ng Department of Education (DepEd) na makahatid ng isang dekalidad na edukasyon kahit sa mga liblib na lugar sa bansa kaya’t plano ng kagawaran na makapagpatayo at matapos ang 599 classrooms para sa huling yugto ng schools program ngayon kasalukuyang taon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang naturang mga paaralan ay mayroong kongkretong pader, kuryente at malinis na tubig ay mahigit pa sa mga gusali kung saan nagrerepresenta ng pag-asa ng mga mag-aaral sa mga liblib na lugar.
Base sa ulat ng Education Facilities Division (EFD), kabuuang 259 classrooms mula sa fiscal year 2020 budget ang inaasahang makumpleto sa katapusan ng buwan ng Mayo 2022 habang ang 340 classrooms mula sa fiscal year 2021 ay target na matapos sa buwan ng Agosto 2022.
Paliwanag ni EFD Chief Annabelle Pangan, karamihan sa kanilang mga proyekto ay kinukumpuni pa lamang kung saan ang nasabing mga paaralan at silid-aralan ay mayroong kuryente, malinis na tubig, at bagong-bago na lamesa at upuan na kanilang pakikinabangan.
Matatandaan na pinasinayaan ng DepEd kamakailan ang kauna-unahang nakumpletong paaralan sa Eastern Visayas noong February ang Patong National High School sa Samar isa sa siyam na nakumpletong paaralan kung saan kumpleto sa mga gamit, mayriong tubig at solar panels.
Ang DepEd ay nakatanggap ng pondo na Php1.5 Bilyon sa taong 2022 para sa pagkukumpuni ng 97 schools at 340 classrooms sa ilalim ng huling mile school program.