Mga empleyado sa ibang ahensya ng pamahalaan, isinama na rin sa COVID-19 vaccine booster shot ng Kamara

88

Isinama na rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang COVID-19 vaccine booster shot ang mga empleyado sa kalapit na mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, una na silang nakipag-ugnayan sa mga ahensya at inimbitahang sa Batasan Complex na lamang pabakunahan ang kanilang mga empleyado.

Aabot sa 50 empleyado mula sa Sandiganbayan at Civil Service Commission ang nagpa-pre register para sa vaccination.


May ilang empleyado na humabol pero hindi na nakaabot sa cut-off.

Pagkatapos ng mahal na araw ay inaasahang magpapatuloy ang pagbibigay ng booster shots sa mga kawani sa Batasan at kanilang mga dependents at maaaring sumama ang ibang mga empleyado mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments