Nakapagtala ang LandBank of the Philippines (LBP) na kita na umabot sa mahigit P40.3 bilyon noong 2023.
Ayon sa LandBank, isa sa mga naging dahilan ng malaking income nila ay mula sa pautang at investments ganun din ang tinatawag nilang prudent cost management.
Kung saan, umakyat din ang kanilang assets ng 4.2 % o katumbas ng P3.3 trillion habang ang deposits ay tumaas ng 4.5 % o katumbas ng P2.9 trillion.
Samantala, nagkaroon din ng pagtaas ang kanilang capital na naging P266.8 billion o 27% kumpara noong 2022 na mayroong P210.6 billion.
Ito na umano ang kauna-unahang pagkakataon na umabot ang kanilang kita sa P40 billion.
Facebook Comments