Preserbasyon ng ilang tourist destination sa bansa, pinag-aaralan ng DENR at ilang ahensya ng pamahalaan

 

Pinag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan kung paano mapangangalagaan ang mga magagandang travel areas sa bansa.DENR

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga na kabilang dito ang El Nido at Coron Palawan; Panglao, Bohol, Puerto Galera, Oriental Mindoro at Siargao Island, Surigao del Norte.

Ani ni Loyzaga, tinatalakay na nila ang preservation ng mga naturang lugar na dinarayo ng mga turista.


Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na katuwang ng ahensya ay Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments