Mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng body cams at dashcams, makakatulong sa transparency and accountability ng pulisya

Iginiit ni Deputy Speaker at Las Piñas Congresswoman Camille Villar ang mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng body camera at dashcams sa operasyon ng pulisya para matiyak ang pag-iral ng transparency and accountability.

Mungkahi ito ni Villar sa harap ng posilidad na mayroong makapangyarihang sindikato ng ilegal na droga sa Pambansang Pulisya na syang nasa likod ng nakumpiskang 6.7 – billion pesos na halaga ng iligal na droga sa Tondo, Maynila.

Sa inihaing House Bill No. 8352 ay binigyang diin ni Villar na ang maire-record na footage sa mga body cameras at police dashcams ay magagamit na ebidensya sa mga operasyon ng pulisya.


Nakakatiyak din si Villar na paraan ito para magkaroon ng pananagutan ang mga awtoridad sa kanilang mga aksyon kaya maiiwasang gumawa sila ng pag-abuso o hindi kinakailangang pwersa.

Nakapaloob sa panukala ni Villar ang polisya kaugnay sa paggamit ng mga otoridad ng body camera at dashcams kapag may inaaresto at nagsasagawa ng search operations.

Binanggit din ni Villar na noong 2021 ay naglabas ng guidelines ang Supreme Court ukol sa paggamit ng body cameras at iginiit sa mga awtoridad na gamitin ito sa pagsisilbi ng warrants.

Facebook Comments