Senate employees, balik trabaho na matapos palabasin kanina ng gusali dahil sa lindol

Nakabalik na sa gusali ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang mga empleyado matapos na palabasin kanina dahil sa lindol.

Pasado alas-11:00 ngayong umaga nang pabalikin na sa kanilang mga opisina ang mga empleyado at balik normal na ulit ang operasyon.

Dahil lahat ng kawani ay pinalabas ng gusali, inuna munang papasukin sa building ang mga matatanda para hindi na rin mainitan.


Kaninang bago mag-alas-10:30 ay agad na pinalabas ng gusali ang mga empleyado ng Senado matapos maramdaman ang lindol at sinuri muna ng engineering department at Bureau of Fire Protection (BFP) kung may pinsala ang mga opisina sa gusali.

Wala namang pinsalang nakita ang mga awtoridad sa gusali.

Facebook Comments