Makati Business Development Council, pinulong ng alkalde ng Makati City

64

Pinulong ni Makati City Mayor Abby Binay ang Makati Business Development Council para bumuo ng Long-Term Economic Development Strategy.

Ito ang unang pagkakataon sa panahon ng pandemya na nag-convene ang MBDC na inaasahang makakatulong sa pagkakaroon ng high-impact innovations na magpapalago sa ekonomiya at magpapalakas sa antas ng competitiveness ng lungsod.

Layon din nitong siguruhin na mananatiling premier investment destination ang Makati.


Ipinunto ni Binay na mahalaga ang papel ng MBDC sa paggabay sa mga programang susuporta sa pagbangon at muling paglago ng mga negosyo.

Sa ilalim ng pamumuno ng alkalde ay lumagda sa strategic partnerships ang lungsod sa industry leaders sa pamamagitan ng public-private partnerships para sa pagpapaigting ng connectivity, mobility, resilience at sustainability.

Kabilang sa matagumpay na PPP projects ang Makatizen Card na isang multipurpose ID na magagamit sa pagpapadala o pagtanggap ng pera at Makatizen App kung saan maaaring mag-ulat ng krimen, emergency at suliranin sa komunidad.



Facebook Comments