Epektibo na bukas, December 1, ang pagpapatupad ng mandatory COVID-19 testing sa lahat ng mga on-site workers sa buong bansa.
Batay sa guidelines, kailangang sumalang sa RT-PCR test isang beses kada dalawang linggo ang mga manggagawang nais nang bumalik sa trabaho pero ayaw magpabakuna.
Ang gastos para sa pagpapa-test ay sasagutin mismo ng mga empleyado.
Iiral naman ang “no work, no pay” rule sa mga unvaccinated employees na required magtrabaho on-site pero tumatangging sumailalim sa mandatory COVID-19 test.
Habang ang mga partially vaccinated employees ay papayagan nang pumasok on-site na hindi kinakailangang sumalang sa regular RT-PCR testing.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepneurship Joey Concepcion, layon nitong maprotektahan ang mga empleyado at mga negosyo laban sa COVID-19 lalo ngayon na may banta na naman ng panibagong variant.