VP Leni, hinimok ang mga Pilipino na tumindig laban sa pang-aabuso gaya ni Andres Bonifacio

227

Nakiisa rin sa paggunita ngayong araw ng ika-158 anniversary ng Bonifacio Day si Vice President Leni Robredo.

Sa statement na inilabas nito ngayong araw, hinimok ng pangalawang pangulo ang mga Pilipino na tumindig at magsilbing insipirasyon sa marami laban sa pang-aabuso sa makapangayarihang interes.

Para kay Robredo, sinimulan ni Bonifacio ang pagkakaisa ng mga Pilipinong nais magdala ng pagbabago, kung saan ang tapang nito ang nagbunga sa pagmamahal sa kapwa Pilipino; at ang kaniyang kabayanihan.


Ipinayo naman ni Robredo sa mga Pilipino na patuloy na isabuhay ang pag-ibig na handang isakripisyo at ibuhos para sa bansang pinangarap ng ating mga bayani.

Facebook Comments