Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng isang proyekto para mapakinabangan ang ilang mga campaign materials na ginamit ng mga kumandidato.
Papangunahan ng Manila Department of Public Services ang proyektong “Tarpaulin mo, ireresiklo ko”.
Layunin ng nasabing proyekto na mai-recycle ang mga nagamit na campaign materials na ikinabit sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.
Paraan rin ito para mabawasan ang dami ng mga basura na kadalasan ay napupunta sa mga kanal na siyang bumabara at nagiging sanhi ng pagbaha.
Nabatid na base sa pag-aaral ng Ecowaste Coalition, ang isang, single-used campaign materials tulad ng tarpaulins ay patuloy ang pagdami na nagiging basura kung saan mas lalo itong tumataas sa 30 hanggang 40% kada magsasagawa ng elekayon.
Ang mga nais mag-donate ng tarpaulin at maaaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang barangay o kaya tumawag sa opisina ng DPS sa numerong 5-3101261.
Matatandaan na sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabaklan mg mga campaign material kung saan iniipon na nila ang mga tarpaulin para i-recycle.