Marikina Mayor Teodoro, ininspeksyon ang isa sa COVID-19 vaccine storage facility ng lungsod dahil sa rotational brownout

Nagsagawa ng inspection si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa isang cold storage facility ng lungsod na Pharmaserv.

Ito matapos na mag-anunsyo ang Meralco sa gagawin nilang rotational brownouts kung saan kasama ang ilang lugar sa Marikina.

Ayon kay Mayor Teodoro, kanilang sisiguruhin na hindi mawawalan ng supply ng kuryente ang Barangay San Roque kung saan nakatayo ang Pharmaserv.


Tiniyak ng alkalde na patuloy na makikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa Meralco upang mapanatili ang supply ng kuryente sa lugar.

Maliban dito, muli nilang tiningnan ang battery back ng nasabing cold storage facility para masigurong gumagana ito.

Dito dinadala ang iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccine sa dumarating sa bansa.

Sa ngayon, ayon kay Dir. Ariel Valencia ng Department of Health, ang Pharmaserv ay mayroong 30,000 doses ng Sinovac, 6,200 doses ng Sputnik V, at 996 doses ng Pfizer.

Facebook Comments