Masamang epekto ng paggamit ng Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19, ibinabala ng US-FDA

Nagbabala ang US Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Ivermectin sa isang tao bilang pangontra sa COVID-19.

Kasunod ito ng mga ulat na ilang indibidwal ang nalason matapos uminom ng Ivermectin pills na para lang sana sa mga bulate na nasa loob ng katawan ng kabayo.

Ayon sa US FDA, maituturing pang delikado ang paggamit ng Ivermectin dahil hindi pa ito aprubado para gamitin sa isang tao.


Sa mga indibidwal naman na mayroon nang prescription para sa paggamit ng gamot, pinayuhan ito ng Amerika na tiyaking lehitimo ito at inumin lang base sa payo ng doktor.

Maituturing kasing delikado kung malaking dose ng Ivermectin ang iinumin dahil iba ang kalagayan ng katawan ng isang tao kumpara sa hayop.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang initial na pananaliksik sa paggamit ng Ivermectin.

Facebook Comments