Mga aktibidad para mas dumami ang trabaho sa Pilipinas, ipupursige ng Marcos administration

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na magpupursige ang kanyang administrasyon para mas dumami ang trabaho sa Pilipinas.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa ambush interview kahapon sa Fort Bonifacio Taguig matapos ang ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumaba ang bilang nang walang trabaho sa Pilipinas na umabot na sa 4.3 percent nitong nakalipas na buwan ng Mayo mula sa 6 percent nang nakaraang taon.

Natutuwa ang pangulo dahil dahan-dahan nang umaakyat ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho.


Siniguro ng presidente na isa sa prayoridad ng Marcos administration ay ang job generation o ang paglikha nang mas maraming trabaho para sa mga Pilipino kaya mahalagang magkaroon aniya ng economic activity.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na kailangang maging investor friendly ang Pilipinas upang mas makapagbigay ng magandang trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments