Libreng mapapanood ng mga fans sa video streaming platform na YouTube ang ilan sa mga award-winning na pelikula ng yumaong beteranang aktres na si Cherie Gil.
Sa inilabas na playlist ng Regal Entertainment Inc., na pinamagatang “The Life and Work of Cherie Gil”, libreng mapapanood ng publiko ang mga pelikula ng aktres tulad ng:
- “Masyadong Bata” (1990)
- “Maynila Sa Gabi” (1980)
- “Beer House” (1977)
- “Sugar Daddy” (1977)
- “Problemang Bata” (1980)
- “Ito Ba Ang Ating Mga Anak” (1982)
- “Magno Barumbado” (1980)
- “Sugatang Puso” (2000)
Gumanap si Gil bilang Miriam sa “Sugatang Puso” na siyang nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress award sa Metro Manila Film Festival noong 2000.
Sa kabuuan, mayroong siyam na panalo at 17 nominasyon sa ilalim ng kanyang pangalan si Cherie at tinagurian ding “La Primera Contravida” dahil sa kanyang kahusayan bilang isang kontrabida sa ilang mga pelikula.
Kabilang dito ang kanyang iconic role bilang Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning” (1985).