Philippine sprint queen na si Lydia de Vega, pumanaw na matapos ang pakikipaglaban sa breast cancer

164

Nagluluksa ngayon ang sports community kasunod ng pagpanaw ng binansagang ‘Sprint Queen’ ng Pilipinas na si Lydia de Vega kagabi matapos ang pakikipaglaban sa breast cancer.

Ito ang malungkot na ibinalita ng kanyang anak na si Stephanie Mercado-De Koenigswarter sa pamamagitan ng Facebook at humiling ito sa publiko ng dasal para sa kaluluwa ng namayapa niyang ina.

Una nang natulaksan noong 2018 na mayroong breast cancer si De Vega at nitong Hulyo lamang ito ipinabatid sa publiko matapos manghingi ng tulong ang kanyang pamilya dahil nasa “kritikal” na kondisyon na ito.


Si Lydia ay binanasagang Asia’s fastest woman noon kung saan nag-uwi ito ng siyam na gintong medalya sa Southeast Asian Games at dalawang ginto mula sa Asian Games.

Huling nakita si De Vega ng publiko sa opening ceremonies ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan isa siya sa mga flag bearer kasama ang kapwa Philippine sports icons.

Facebook Comments