Dumarami na ang mga bansa na nagpatupad ng travel restrictions sa mga bansa sa Southern africa.
Kasunod ito sa pagkadiskubre ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron na unang natuklasan sa South Africa na pinaniniwalaang mas nakapanghahawa kaysa sa Delta variant.
Maliban sa Pilipinas, nagpatupad na ng travel ban ang Canada, Brazil, Saudi Arabia, Guatemala, United Kingdom at Singapore habang ang European Union ay nagsagawa na ng emergency meeting upang talakayin ang pagpapatupad ng travel ban sa kanilang 27 nations.
Sa Amerika naman, magsisimula ang travel ban mula Nobyembre 29 sa South Africa, Botswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique at Malawi.
Sinuspende ang nakatakdang sanang World Trade Organization Ministerial Conference na isa sa pinakamalaking trade gathering sa buong mundo.
Nagkaroon na rin ng pagbulosok pababa ang stock markets at presyo ng langis sa world market.