Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na hindi kasama sa mandatory ng pagsusuot ng faceshield ang mga biker habang nagmamaneho ng kanilang mga bike.
Batay inilabas na anunsyo ng Pasig sa kanilang official Facebook account, may mga pag-aaral at patunay na mapanganib ang pag susuot ng faceshield sa mga nagmamaneho ng bike.
Dagdag pa nila, ang pagsusuot ng faceshield ng mga bikers ay nakakasagabal sa kanilang paningin at nagdudulot ng hirap sa paghinga.
Pero iginiit ni Mayor Vico Sotto na maaari lang sila mag suot ng face mask at face shield kung hindi na sila nagda-drive ng kanilang mga bike, lalo na kung nasa matataong lugar na sila.
Paalala naman ng alkalde, sa mga residente ng Pasig na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.