Pinagbawalang sumali sa mga women’s sports competition ang mga transgender na babae sa Florida, sa Estados Unidos.
Ito ay matapos na lagdaan ni Florida Governor Ron Desantis ang batas kung saan hindi pinapayagan ang mga transgender women sa sports competition sa mga paaralan sa Florida.
Ayon kay Desantis, naniniwala siyang para lamang sa mga babae ang kompetisyon na pambabae at gayundin naman sa mga larong para sa mga kalalakihan.
Kasunod nito, nagpahayag naman ng pagtutol ang Human Rights Campaign at iginiit na ang transgender women ay maituturing din na mga babae.
Ayon pa sa HRC, karapatan din ng mga transgender na magkaroon ng kapareho na oportunidad na makapaglaro.
Facebook Comments