Mga fourth year students ng medicine at nursing, pinayagan nang makapagsilbi bilang vaccinators

Nagkasundo ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) na payagan nang makapagsilbi bilang vaccinators ang mga fourth year students ng medicine at nursing.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, maaari nang maging vaccinators ang mga nagtapos sa medicine at nursing na hindi pa nakakakuha ng licensure exam.

Bahagi ang gawain ng pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan para mapabilis ang bakunahan sa bansa.


Samantala, para naman sa pagbabalik-klase ay iginiit ni De Vera na hindi pwedeng pilitin ang mga mag-aaral sa kolehiyo na bumalik na sa face-to-face classes.

Marami pa rin kasi aniyang mga estudyante at guro ang nangangamba sa pagbabalik-klase lalo’t kulang pa ang natatanggap na bakuna ng COVID-19 sa ilang lugar.

Facebook Comments