Pagluluwag ng Alert Level System sa Metro Manila, suportado ni DOH Sec. Duque

Suportado ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pagluluwag pa ng Alert Level system sa Metro Manila.

Ayon kay Duque, kung pagbabatayan ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay sang-ayon siya sa mga mungkahing magpatupad ng mga panibagong pagluluwag.

Pero aniya, kailangan munang hingin ang opinyon ng mga eksperto hinggil dito.


Sa ngayon, iginiit ng kalihim ang pagsunod sa health protocols kahit naibaba na sa Alert Level system ang Metro Manila.

Facebook Comments