Makakatanggap ng karagdagang hazard pay ang mga guro sa elementarya at sekondarya ayon sa Department of Education (DepEd).
Batay sa inilabas na joint circular ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM), itinaas ang hazard pay ng mga guro sa 25% ng kanilang monthly basic salary mula sa 15%.
Habang ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, binawasan na rin ang requirements para makuha ang allowance.
Sa ilalim ng panibagong guidelines, kailangan lamang magpasa ng Daily Time Record (DTR) ang mga guro.
Suportado naman ni DepEd Secretary Leonor Briones ang gawaing ito kung saan mabibigyang parangal ang mga guro na nagpapahayag ng kanilang concern lalo na ang mga nagmula sa remote areas.
Facebook Comments