Mga hospital sa bansa, handa na para sa monkeypox – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa na ang ilang ospital sa pagtugon sa mga posibleng kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga infectious disease hospitals na naka-specialized para lang sa mga ganitong uri ng kaso tulad ng Research Institute for Tropical Medicine at San Lorenzo Hospital.

Nauna na ring sinabi ng DOH na handa ang bansa sa pagtugon ng monkeypox tulad ng pagpapatupad ng mga protocol kung saan kabilang ang pag-check ng sintomas at quarantine.


Samantala, sinabi naman Dr. Joseph Adrian Buensalido ng Asian Hospital and Medical Center na gaya ng pagpigil sa paglaganap ng COVID-19 ay ganoon din ang gagawin sa pagpigil ng monkeypox.

Partikular dito ang paghuhugas ng mga kamay bago hawakan ang mata, ilong, at bibig na maaaring pasukan ng virus na gaya ng COVID at pwede rin itong maipasa sa iba.

Dagdag pa ni Buensalido, dahil nga ito’y close contact ay may posibilidad itong makuha sa mga beddings at iba pa.

Inirerekomenda rin ng eksperto na kung gagamit ng mga public utility ay i-disinfect muna ito bago gamitin.

Facebook Comments