Halos 400 na indibidwal, sugatan sa tumamang lindol sa Hilagang Luzon; mga naapektuhang indibidwal, umabot na sa halos 400,000 ayon sa NDRRMC

59

Pumalo na sa 381,614 na indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 100, 665 na pamilya, kung saan nasa 3,781 ang mga indibidwal o 1,070 pamilya ang nananatili sa evacuation center.

Dagdag pa ng NDRRMC, 354 na kabahayan ang nawasak ng malakas na lindol, habang nasa 24,547 naman ang nasira.


Samantala, nananatili naman sa 10 ang bilang ng mga nasawing indibidwal habang umabot na sa 394 ang mga nasugatan.

Facebook Comments