Pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aalala ng mga kawani sa Palasyo ng Malacañang kaugnay ng mga pagbabagong ipatutupad sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sa ginanap na Flag Raising Ceremony kaninang umaga sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi dapat ipagtaka na maraming mga bagong opisyal, mga bagong sistema dahil kani-kaniya aniyang style lamang naman ang pamumuno.
Pero, wala aniyang dapat ipag-alala ang mga kawani dahil hindi aniya sila ituturing na empleyado sa halip ay partners sa pamamahala ng gobyerno.
Giit ng pangulo na hindi nila magagawa ang kanilang trabaho kung hindi dahil sa mga kasamahang mga indibidwal at staff sa Palasyo.
Ayon kay Pangulong Marcos, alam niya kung papano magtrabaho ang mga nasa ehekutibo, ginagawa lamang ang mandato bilang serbisyo at hindi namimili ng trabaho at sumusunod lamang sa kung sino ang naitalaga sa Palasyo.