Mga kongresistang na-expose sa COVID positive patient, kailangan pa ring sumailalim sa quarantine

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ring magself-quarantine ang isang indibidwal na na-exposed sa isang COVID-19 positive patient kahit pa lumabas na negatibo ito sa inisyal na COVID-19 test.

Ayon kay Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho, kahit pa man asymptomatic at negatibo sa COVID test, ay saka pa lamang dapat babalik sa normal activities ang inbidwal na may exposure sa isang COVID-19 positive kung nakumpleto ang quarantine.

Malinaw din sa direktiba ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng quarantine dahil ang virus ay maaaring magdevelop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.


Ang mahigpit na obserbasyon sa tamang health protocol ay lumutang kasunud na rin ng naiulat na paglabag mismo rito nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1-Pacman Partylist Rep Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na nagkaroon ng direct exposure sa isang dinner noong November 19 kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus.

Ayon kay Aglipay, agad silang sumailalim sa COVID test at lahat sila ay nagnegatibo sa resulta.

Sa panig ni Aglipay ay sinabi nito na inobserba niya ang quarantine at nanatili lang sa bahay subalit sa kaso nina Velasco, Romero at Mendoza ay dumadalo pa ito sa ibat ibang hearing sa Kamara partikular noong November 24 sa imbestigasyon sa epekto ng Bagyong Ulysses.

November 25 naman ay makikita sa website ng Kamara na tumanggap pa sila ng courtesy call mula kina Labor Secretary Silvestre Bello at Philippine National Police Chief Debold Sinas.

Facebook Comments