Mas papalapit ang national at local elections ay mas tutukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar sa bansa na may presensya ng armadong grupo kabilang ang New People’s Army at mga lugar na may history ng election violence.
Ito ang utos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga pulis sa Masbate at mga miyembro ng New People’s Army na ikinasawi ng limang NPA sa Barangay Bugtong, Mandaon Masbate.
Sinabi ni PNP Chief ang operasyong ito ng PNP laban sa mga NPA sa Masbate ay bahagi nang kanilang offensive operation na layuning matiyak na magiging payapa at maayos ang eleksyon sa susunod na taon.
Facebook Comments