AFP nakatanggap ng medical items at pagkain mula sa grupo ng mga negosyante

Nagpasalamat si AFP Chief of Staff General Jose Faustino Jr., sa Philippine Fujian General Business Association (PFGBA) para sa donasyon na ibinigay sa kanilang hanay ngayong pandemya.

Pinangunahan ni Faustino ang handover ceremony ng mga donasyon sa AFP General Headquarters Canopy Area.

Kabilang sa kanilang tinanggap ang 6,000 packs ng KF94 face masks, 1,000 piraso ng face shields, 10 units ng air purifier, 20 cases ng distilled bottled water at 1,200 packs ng bihon noodles.


Ayon kay AFP chief, ang mga donasyon ay ipamamahagi sa kanilang mga tauhan na walang pagod na nagtatrabaho at expose sa COVID-19.

Ang PFGBA ay ang pinakamatandang Chinese business associations sa Pilipinas na binubuo ng mahigit 4,000 miyembro mula sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Facebook Comments