Patuloy ang pagdami ng mga naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Election (Comelec) gun ban na ngayon ay umaabot na sa 2,505.
Ang mga ito ay nahuli sa 2,397 checkpoint operations na isinagawa ng PNP mula January 9 hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,413 habang 42 ang security personnel, 15 ang miyembro ng Philippine National Police (PNP), 12 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at 23 ang iba pa.
Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang NCR na nasa 929; kasunod ang Region 4A na nasa 270;
Region 7 na nasa 264; Region 3 na nasa 253; at Region 6 na nasa 146.
Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,920 firearms na karamihan ay small arms; 913 deadly weapon kabilang ang 98 pampasabog at mahigit 10-libong mga bala.