Dapat munang tiyakin ng mga pasahero na mayroon silang confirmed flights bago pumunta sa mga airport.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, mahigpit na ipinatutupad ngayon sa mga paliparan ang health protocols at hindi pinapayagang makapasok ang mga wala pang plane tickets.
Aniya, pagsasayang lang ng panahon ang pagpunta sa airport na walang confirmed flight o ticket dahil sa limitado pa ang flights na pinapayagang makapag-operate.
Dapat aniyang gawin ng mga pasahero ang makikipag-ugnayan muna sa airlines upang matiyak ang kanilang flights.
Dagdag pa ni Malaya, lahat ng tickets na binili bago ang pandemya ay kinansela at kailangan munang i-rebooked, maging ang mga walk-ins customers ay hindi rin makakakuha nito sa airports.