Mga residente ng Talisay, Batangas, inilikas sa harap ng abnormalidad ng Bulkang Taal

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook Page

200 mga residente ng Talisay, Batangas ang inilikas ng mga otoridad dahil sa patuloy na abnormalidad ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lito Castro, head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), katuwang nila sa paglilikas sa mga residente ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Protected Area and Management Board (PAMB) gamit ang mga bangka.

Ang mga residente ay dinala sa evacuation sites sa Talisay.


Ayon kay Castro, bagama’t nasa alert level 1 ang Taal Volcano, naitatala ang pagtaas ng temperatura ng lawa sa 70 degrees Celsius mula sa dating 50 degrees Celsius.

Bukod pa aniya rito ang naitalang 98 tremor events o pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Facebook Comments