Alas-8:00 ng umaga nag-umpisa ang pagtanggap ng bills and index department ng Senado ng mga bills at resolution para sa sa 19th Congress.
Bilang pinaka-senior na senador ay si Senator Loren Legarda ang unang nakapag-file ng 20 panukalang batas na nakasentro sa edukasyon at kabuhayan kung saan pinaka-una ang One Tablet, One Student Act.
Sumunod na magpa-file ng bills ang second na most senior senator na si Senator Pia Cayetano kasunod si Senator Lito Lapid na nagsumite ng 5 panukalang batas.
Sampung priority bills din ang isinumite ngayon araw ni Senator Jinggoy Estrada na lahat ay nakasentro sa sektor ng paggawa na layuning matiyak ang patas at disenteng sweldo para sa sektor ng mga manggagawa at makatulong sa paghahanap ng trabaho.
Si Senator Sonny Angara rin ay naghain na ng panukala, gayundin din sina Senators Imee Marcos, Risa Hontiveros, Joel Villanueva at Christopher Go.
Nakatuon naman sa pag-angat ng katarungang panlipunan ng mga Pilipino ang sampung priority bills ni Senator Ramon Revilla Jr.
Una naman sa inihain ni Senator Koko Pimentel ang panukalang batas na sususpinde sa Value Added Tax ay excise tax sa fuel.
Sisimulang i-refer ang mga panukala sa mga komite sa pagbubukas ng session ng Kongreso sa July 25 na kasabay rin sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.