Pangulong Bongbong Marcos Jr., pinulong ang executive committee ng Department of Agriculture

74

Pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na siya ring tumatayong kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang executive committee ng kagawaran.

Kabilang sa pinag-usapan sa pulong ay ang update tungkol sa national food outlook and production, mga banner program ng ahensya at ang mga panukalang plano ng ahensya na isasagawa sa loob ng 30 araw sa ilalim ng bagong administrasyon.

Tumagal ang nasabing pagpupulong ng tatlong oras.


Hindi na rin humarap sa media si Marcos at dumiretso sa Office of the Secretary ng DA na kaniyang magiging opisina.

Dumalo sa meeting sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Presidential Management Staff Secretary Maria Zenaida Angping at iba pang opisyal ng DA.

Facebook Comments