Mga sundalong Amerikano, dapat na sumunod sa mga patakaran at batas ng Pilipinas

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dapat sumunod sa mga patakaran at batas ng Pilipinas ang mga Amerikano.

Kaugnay na rin ito sa pagpapalawak pa ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, may mga pag-aalinlangan siya pagdating sa EDCA bunsod ng usapin sa ‘sovereignty’ dahil nasa teritoryo natin ang mga Amerikano pero hindi sila sumusunod sa batas ng ating soberenya.


Giit ni Dela Rosa, kung nasa hurisdiksyon natin ang mga sundalong Amerikano ay dapat na sumunod sila at hindi pwede ang ginagawa nilang ‘republic within our republic’.

Aminado ang senador na 50-50 siya pagdating sa pinalawak na EDCA sites at dapat itong busisiin at pag-aralan munang mabuti.

Magkagayunman, batid ni Dela Rosa na may kabutihang dulot din ito sa bansa ang expansion ng EDCA sites dahil magiging ‘deterrent’ o hadlang ang presensya ng US laban sa pambubully na ginagawa ng mga kapitbahay na bansa lalo ang China.

Facebook Comments