Average na kaso ng COVID sa nakalipas na linggo, 145 na lamang

Mula Enero 30 hanggang Pebrero 5, 2023 nasa 1,012 ang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw naman sa nakalipas na linggo ay nasa 145.

Ito ay mas mababa ng 16 percent kumpara sa mga kaso noong Enero 23 hanggang 29.


Walang namang naitalang COVID patient na nasa malubha at kritikal na kalagayan.

85 na pasyenteng may COVID-19 ang binawian ng buhay na nakalipas na linggo.

Facebook Comments