1milyong pabuya para sa ikadarakip ng bawat ASG member, hiniling na ilagay na lamang sa intelligence gathering

Manila, Philippines – Hiniling ng isang kongresistana irekunsidera ang isang milyong pabuya para sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf namahuhuli o mapapatay sa gitna ng opensiba laban sa teroristang grupo.
  Naniniwala si Anak Mindanao Rep. Makmod Mending Jr.na hindi epektibo ang ganitong reward system laban sa Abu Sayyaf.
  Mas mabuti aniyang ilaan na lamang ang reward parasa pagpapalakas ng intelligence gathering upang matiyak na mas sigurado ang mgaimpormasyong pinagbabasehan ng opensiba laban sa teroristang grupo.
  Maaari kasi aniyang may kumagat sa isang milyongpiso kapalit ng bawat terorista, buhay man o patay, pero sadyang mahirap nangtugisin ang mga ito.
  Bukod sa walang permanenteng kuta ang Abu Sayyaf aymabilis ang kanilang mobilisasyon, kayang mamundok o kaya ay tumakas gamit angkanilang mabibilis na speed boats.
  Dagdag pa ni Mending na mas mabuting mahuli ng buhayang mga miyembro ng Abu Sayyaf para magbayad ang mga ito sa batas at maiturodin ang kanilang ibang mga kasamahan.

Facebook Comments