Chicago Bulls at Boston Celtics, tabla na sa nagpapatuloy na Eastern Conference Playoffs

NBA – Tabla na sa 2-2 ang serye sa pagitan ng Chicago Bulls at Boston Celtics sa first round ng Eastern Conference Playoffs.

Nanalo ang Boston sa game-4 sa score na 104-95 kung saan nanguna sa panalo si Isaiah Thomas na may 33-points.

Sa postgame interview kay Celtics coach Brad Stevens, ikinatuwa niya ang naging mind set ni Thomas sa laro at dahil dito, nagawa ang kaniyang ibang teammates na magkaroon ng confidence para makuha ang panalo.


Mapapanood naman ang game-5 sa Huwebes, sa mismong homecourt ng boston.

Samantala, naitabla ng Utah Jazz sa 2-2 ang serye kontra ang Los Angeles Clippers sa game 4 ng Western Conference Playoffs sa score na 105-98.

Nanguna sa panalo si Joe Johnson na may 28–points kung saan ang game-5 ay mapapanood naman sa Miyerkules (April 26) sa homecourt ng Clippers.

Facebook Comments