1milyong pisong pabuya ni Mayor Isko Moreno sa mga nanloob sa Metro Bank

379

Nag alok na ng isang milyong pisong reward si Mayor Isko Moreno para sa ikadarakip ng mga suspek sa panloloob sa Metrobank Sto.Cristo Branch sa Binondo, Maynila.

 

Sa ulat ng MPD Station 11, bago mag-alas nuebe ng umaga nang mangyari ang panloloob.


 

Nasa pito ang mga suspek na sinasabing nanloob sa bangko.

 

Ang mga gwardya at empleyado ay ipinasok sa isang kwarto at itinali.

 

Wala namang napaulat ba nasawi o nasaktan, pero may posibilidad na may nakuhang pera lalo’t magbubukas pa lang ang bangko.

 

Naka-kordon pa rin ang lugar, at patuloy pa ang imbestigasyon.

 

Sinabi naman ni Mayor Isko na mariin niyang kinokondena ang nangyari, at hindi niya papayagan ang panggugulo at mamemeerwisyo sa Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers