Pekeng US Marine, arestado ng NBI

Arestado ng NBI ang isang Liberian national matapos magpanggap na miyembro ng US marine.

 

Ang suspek na  si Justine Barlee  ay unang nagpakilala bilang Jerry Brown  at Jerry Rockstone.

 

Ayon sa NBI – naghahanap ng financier ang suspek para magpaluwal ng 150,000 US dollars para marecover daw ang kanyang pera na naiwan sa Global Cargo Shipping Company.


 

Matapos makipag-ugnayan ang NBI nbi sa US embassy, lumalabas na hindi miyembro ng US Marine ang dayuhan at hindi rin ito isang American National.

 

Facebook Comments