Inihayag ngayon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Atty. Romando Don Artes na tuloy-tuloy pa rin ang flood mitigation project ng ahensiya na siyang nakikita nitong paraan upang masolusyonan ang lumalalang problema sa pagbaha sa Metro Manila.
Ayon kay acting Chairman Atty. Artes walang humpay ang kanilang ginagawang paglilinis sa mga drainage sa kalakhang Maynila upang matuldukan na ang problema sa pagbaha
Aminado si Artes na mahihirapan ang kanilang mga tauhan sa paghakot ng mga tone-toneladang basura na bumabara sa mga kanal at creek na dinadaluyan ng tubig baha.
Paliwanag ng opisyal na tuloy-tuloy ang mga pumping station sa Metro Manila at lahat naman aniya ay gumagana dahil pagkatapos ng 30 minuto ng pag-ulan ay humuhupa naman agad ang mga pagbaha at kapag wala na ang mga basura ay agad na mawawala rin ang mga pagbara at tuloy-tuloy na ang daloy ng tubig sa mga kanal.
Patuloy naman aniya ang kanilang ginagawang pag-monitor sa mga pumping station para matiyak na agad maagapan sakaling hindi pa humuhupa ang baha.