Motion for Reconsideration ng Makati City kaugnay sa territorial dispute nila ng Taguig City, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ng Makati City na muling dinggin ang territorial dispute nila ng Taguig City.

Sa desisyon ng Supreme Court Special Third Division, sinabi nitong walang sapat na dahilan para pagbigyan ang kahilingan ng Makati City.

Ayon sa korte, mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagtanggap o pagdinig sa ikalawang motion for reconsideration.


Una nang ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng Makati City noong December 1, 2021 na kumukwestyon sa desisyon nito na paboran ang Taguig City sa pag-aangkin nito sa Bonifacio Global City (BGC) at siyam na barangay ng Makati.

Noong September 28, 2022 naglabas ng pinal na desisyon ang Supreme Court (SC) sa naturang territorial dispute sa pagitan ng dalawang lungsod.

Facebook Comments