Canadian national, nahulihan ng iligal na droga sa NAIA

Isang Canadian national ang inaresto ng NAIA-PDEA at Bureau of Customs (BOC) matapos mahulihan ng illegal drugs mula Mexico.

Ang dayuhang pasahero na si Mary Jane Marais ay dumating sa NAIA 1 sakay ng Japan Airlines kung saan may connecting flight ito sa Narita Airport.

Natuklasan ang 7 kilos ng shabu na dala nito matapos itago sa mga tsokolate. Inilagay sa check-in luggage at nakita ito ng mga otoridad nang dumaan sa initial inspection.


Ang shabu ay nagkakahalaga ng 48-million pesos.

Facebook Comments