Nagbabala ang MRT management na pabababain o hindi pasasakayin sa bibiyaheng tren ang mga hindi susunod sa minimum public health protocols.
Tiniyak ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na mas maghihigpit sila laban sa mga hindi sumusunod sa minimum public health protocols sa buong linya ng MRT-3.
Ito’y upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga pasahero sa patuloy na implementasyon ng Alert Level 1 sa Metro Manila.
Hiningi niya ang kooperasyon ng mga pasahero upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga tren at estasyon ng MRT-3.
Aniya may otoridad ang mga platform at train marshals na magpababa at huwag magpasakay sa sinumang lalabag sa protocols.
Facebook Comments