73.7% na mga balota, naimprenta na

73.7% na ng official ballots na gagamitin sa halalan sa Mayo ang naimprenta na.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ito ay mula sa kabuuang 67 million na mga balota na gagamitin sa eleksyon.

Kinumpirma rin ni Garcia na 105,350 na mga balota na ang natukoy na depektibo.


Ito ay mula naman sa 5.2 million ballots na ikinukunsidera ng depektibo habang mayroon pa aniyang iba pang mga balotang patuloy na sinusuri.

Facebook Comments