Nagviral na video at larawan ng nangyaring pool party sa isang hotel sa Iloilo City, patuloy na iniimbestigahan ng PNP at PDEA

422
Exclusive

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Police Regional Office-6 at ng Philippine Drug Enforcement Agency-6 (PDEA) sa nangyaring pool party sa isang hotel sa Iloilo City noong nakaraang linggo kahit na nasa ilalim ng community quarantine ang siyudad.

Ayon kay PRO-6 Spokesperson Police Col. Gilbert Gorero, ikinagulat nila ang impormasyon na lumabas sa social media na mga video at litrato sa nangyaring pool party kung saan makikitang hindi ino-obserba ng mga tao sa litrato at video ang health protocol katulad ng social distancing at pagsuot ng face mask habang nagpa-party sa swimming pool.


Ayon pa kay Gorero, hindi dapat na kinokonsinte ang nasabing gawain dahil nasa ilalim pa rin ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lungsod at mayroon pang banta ng virus.

Sa kabila nito, hindi pa makapagbigay ng eksaktong detalye ang PDEA-6 sa napaulat na pagkalat ng mga party drugs sa mga katulad na party pero may mga intel report na sila na noon pa man sa pagkalat ng ilegal na droga.

Una nang pina-imbestigahan ni Mayor Jerry Trenas ang natanggap niyang impormasyon sa nasabing pool party.

Facebook Comments