Nakikipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ibang ahensya para paghandaan ang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) laban sa pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay MMDA Chairman, Romando Artes, nais nilang masiguro na walang magiging problema ang daloy ng trapiko at hindi maaapektuhan ang mga motorista.
Dagdag pa ni Artes, kakausapin din ang mga organizer ng rally para magkaroon ng maayos na koordinasyon at hindi sila makakaabala sa traffic.
Patuloy na inaalam ng MMDA ang iba pang detalye hinggil sa mga lokasyon at ruta ng isasagawang rally ng INC.
Inanunsyo ng INC ang rally upang ipakita ang pagsuporta sa naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na huwag ng isulong ang impeachment dahil maraming problema ang bansa na dapat unahin ng pamahalaan.