Kinuwestiyon ng Department of Transportation (DOTr) ang naging basehan ng pag-aaral isang American luggage app kung saan itinuring na world’s worst airport para sa business class travelers ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa nasabing pag-aaral, nakakuha ang NAIA ng 0.88/10 business class score at nasa ika-38 puwesto mula sa 38 mga paliparan sa buong mundo.
Naging basehan sa pag-aaral ang bilang ng mga lounge, bilang ng destinasyon, percentage ng on-time flights kada taon at ang rating mula sa Skytrax (UK-based consultancy) maging ang pinagsama-samang reviews sa pamamagitan ng blog na businessclass.com.
Giit ng ahensya, destination airport ang NAIA at hindi isang hub airport kung kaya’t wala masyong business class lounges sa paliparan.
Lumalabas din sa masusing pananaliksik ng DOTr sa businessclass.com website na wala naming reviews maski ratings na tungkol sa NAIA.
Pagdating naman sa bilang ng mga destinasyon, sinabi ng DOTr na idinidikta ito at tinutukoy sa pamamagitan ng bilateral at air services negotiations.
Hindi rin anila resonable nag awing batayan ang on-time performance para bigyan ng worst rating ang NAIA.
Katunayan, noong last quarter ng 2019 bago pumutok ang pandemya noong Marso 2020 ay nakakuha pa ang paliparan sa bansa ng On-Time Performance (OTP) average na 83% na mas mataas sa 40% noong 2016, batay sa ulat n Air Carriers Association of the Philippines.
Sa ilalim din ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at DOTr Secretary Arthur Tugade ay nasawata ang mga problema sa “laglag-bala”, “bukas bagahe” at iba pang extortion scheme na ilang taong sumira sa reputasyon ng NAIA.
Sa huli, sinabi ng DOTr na gagamitin nilang inspirasyon ang naturang reviews para pagbutihin pa ang mga pasilidad sa paliparan at mabigyan ng mas maginhawa at ligtas na biyahe ang publiko.