8 mangingisda, nawawala kasunod ng pagbangga ng bangka nila sa isang cargo vessel sa Palawan

314

Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong mangingisda matapos bumangga sa kanilang bangka sa isang cargo vessel sa karagatan sakop ng Palawan.

Partikular na nagyari ang insidente sa Maracanao Island sa Agutaya, Palawan kung saan bumangga ang sasakyan ng mga mangingisda na FB JOT-18 sa cargo vessel na MV Happy Hiro ng Marshall Island.

Nabatid na nasa 21 ang sakay ng bangka ng mangingisda kung saan nailigtas ng mga crew ng Fishing Boat BAL 5 ang 13 sa mga ito.


Agad naman inihatid ng MV Happy Hiro ang 13 mangingisda sa Lipata, Culasa sa Antique.

Kasalukuyan pa rin magsasagawa ng search operation ang MRRV 4406 BRP Suluan kasama ang ibang rescue teams mula sa Coast Guard Station Cuyo at Sub Station Agutay ng Ilioilo.

Facebook Comments