Naitalang quarantine violators sa panahon ng Undas, umabot sa higit 48,000

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng higit 48,000 quarantine protocol violators sa buong bansa kasabay ng paggunita sa Undas.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng pagsasara ng lahat ng sementeryo at kolumbaryo sa bansa bilang pag-iwas sa anumang pwedeng pagmulan ng superspreader event.

Habang pumalo naman sa 820,983 lumabag sa health protocols simula lamang ng Oktubre 16 hanggang Nobyembre 1.


Sa nasabing bilang, 166,277 na mga violators ang naitala sa Metro Manila kung saan 10,230 ay naitala lamang kahapon, Nobyembre 1.

Ayon sa PNP, pangunahin sa mga paglabag ang hindi pagsusuot ng face mask, face shield, hindi pagsunod sa physical distancing, paglabag sa curfew hours, at paglabas ng non-authorized person outside residences (APOR).

Facebook Comments